PatrolPH

42 brgy. officials na sangkot sa anomalya sa SAP, nasampahan na ng reklamo

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at May 21 2020 05:37 PM

MAYNILA - Pormal nang sinampahan ng reklamo ang 42 barangay officials na sangkot umano sa anomalya sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Sa virtual press briefing, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya, criminal complaints ang isinampa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa
Prosecutor’s Office ng Department of Justice laban sa mga naturang opisyales.

Ayon kay Malaya, kabilang sa sinampahan ng reklamo ang 4 na barangay kapitan, 15 barangay kagawad, isang SK chairman, 3 treasurer, 4 barangay secretaries, isang barangay health worker, 3 tanod, 10 sibilyan na konektado sa barangay, at isang day care teacher.

Sa pahayag ng DILG, sinabi nitong "splitting" diumano ang isa sa mga pangunahing inirereklamo laban sa mga opisyal ng barangay. Hinahati diumano ang SAP cash aid ng isang pamilya para mapakinabangan ng ibang pamilya.

Ang iba naman ay kumukuha ng komisyon.

Ani Malaya, naitala ang mga kaso ng anomalya sa mga sumusunod na lugar:

- San Agustin, Hagonoy, Bulacan
- Batang Irosin, Sorsogon
- Feliza, Bacolod City
- Purok 3, Manuel Roxas, Gov. Generoso, Davao Oriental
- San Pedro, Laguna
- Bansalan, Davao del Sur
- Old Balara, Quezon City
- Mariblo, Quezon City
- Quimloong, Bucay, Abra
- Barangay 11, Zone 2, District 1, Tondo, Manila
- Nati, Maasin, Southern Leyte
- Kawit, Manito, Albay
- Luzong, Manabo, Abra
- Landayan, San Pedro City, Laguna
- Kadakad, Narvacan, Ilocos Sur
- Marinig, Cabuyao, Laguna
- Barangay 9, Pasay City
- Cabuyao Laguna
- Nasaka, Maasin, Iloilo
- Paimbugan, Aparri, Cagayan

Babala ng DILG na patuloy nilang hahabulin ang mga tiwaling barangay officials.

Giit ng DILG na ang pondo sa ilalim ng SAP ay nakalaan para sa mga lubos na nangangilangan at hindi sa mga tiwaling barangay officials.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.