3 sugatan sa aksidente sa Quezon City

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at May 21 2020 08:01 AM

MAYNILA - Tatlong katao ang nasugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng jeep at van sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa paunang ulat, nag U-turn umano ang jeep nang biglang banggain ito ng L-300 van.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumagilid ang van sa kalsada at nasugatan ang driver at dalawang sakay nito.

Sabi ng driver ng jeep, pasundo siya sa anak na nagtatrabaho sa isang fastfood at mabagal na nag U-turn nang mabanggga ng van.

Itinanggi naman ng van driver ang alegasyong mabilis ang kaniyang takbo.

Napag-alaman na nagsa-shuttle ng mga empleyado ang van galing Payatas papuntang San Juan.

Nadala na sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.