PatrolPH

2 presong tumakas sa Bulacan Provincial Jail, arestado sa Pampanga

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 21 2020 06:55 PM

Nahuli sa manhunt operation sa Apalit, Pampanga nitong Huwebes ang dalawang presong tumakas mula sa Bulacan Provincial Jail noong Abril.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Cerbano, nahaharap sa kasong robbery at illegal possession of firearms, at Aries Cammayo, sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Apalit, Pampanga Police Chief Lt. Col. Elmer Decena, unang naaresto si Cerbano sa Sitio Sto. Nino sa Barangay San Juan.

Sa interrogation, ibinunyag ni Cerbano na may isa pang presong nakatakas na nagtatago sa Purok 1, Sucad.

Agad nagsagawa ng operasyon at naaresto si Cammayo.

Ayon kay Decena, kakasuhan din ng evasion of sentence si Cerbano dahil convicted na sa mga kinahaharap na kaso.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.