Suspek sa droga, patay sa buy-bust sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 04:08 AM

Dead on the spot ang isang suspek sa droga matapos mauwi sa engkuwentro ang isang buy-bust operation sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil, Jr, may edad 42 anyos ang napatay na suspek na si Edwin Domingo.

Ala-una Martes ng madaling-araw nang ikinasa nila ang operasyon laban kay Domingo. 

Nakabili ng P500 halaga ng hinihinalang shabu ang kanilang poseur buyer pero bago pa man arestuhin ang suspek ay nakatunog umano siya na isa itong police set-up.

Bumunot umano ng baril ang suspek at nagpaputok sa mga pulis. 

Gumanti ng putok ang kabilang panig na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek. 

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang kalibre .38 na baril at motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.