Pulis patay sa pamamaril sa Eastern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 08:43 PM

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Barangay Cambilla sa bayan ng Quinapondan, Eastern Samar Sabado ng hapon.

Base sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nangyari ang pamamaril alas-2 ng hapon sa nasabing lugar.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Michael Felipe Ribo na nakadestino sa Mobile Force sa lalawigan.

Pumunta umano sa nasabing lugar ang biktima para kumuha ng impormasyon sa isang naunang insidente ng pamamaril sa Barangay Bagte sa Quinapondan ngunit hinarang ito ng 3 armadong lalaki na hinihinalang miyembro ng New People's Army.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril. Iniimbestigahan din bakit mag-isang pumunta sa lugar ang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.