Pulis patay sa pamamaril sa Cebu City

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 04:46 PM

CEBU CITY - Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga salarin na lulan ng motorisklo sa Barangay Mabolo sa lungsod na ito, Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Police Capt. Delfin Buntoyan na nadestino sa Cordillera Province matapos marelieve sa Criminal Investigation and Detection Group-Central Visayas noong 2016.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mabolo Police, galing umano sa hearing ang biktima at sakay ng kaniyang motorsiklo nang tambangan sa kalsada ng dalawang lalaking lulan din ng motorsiklo. 

Blangko pa ang pulisya sa posibleng motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin na nakahelmet at nakatakip ang mukha.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.