Mag-tiyuhin, biktima ng 'salvage' sa Iloilo City

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 10:51 AM | Updated as of May 21 2019 06:57 PM

Binalutan ng tape ang mga mata at bibig at nakagapos din ang mga kamay ng mag-tiyuhin na biktima.

ILOILO CITY – Dalawang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Balabago, Martes ng umaga.

Madaling araw nang makarinig ng mga putok ng baril ang ilang mga residente pero umaga na nang kanilang puntahan ang lugar at doon nakita ang mga bangkay ng mag-tiyuhing Jimrod at Tristan Eribal.

Watch more in iWant or TFC.tv

May piring ang mga mata at nakagapos pa ang bangkay ng mag-tiyuhin habang may mga tama din ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nagkalat naman sa lugar ang mga basyo ng bala.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, dinampot ng mga hindi kilalang lalaki sakay ng kotse ang mag-tiyuhin mula sa magkahiwalay na lugar.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad para mabatid ang mga salarin sa likod ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.