Drayber patay sa banggaan ng trak at bus sa Davao del Sur

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 01:51 AM

SANTA CRUZ, Davao del Sur - Isa ang patay sa banggaan ng bus at trak sa Barangay Inawayan sa bayan ng Santa Cruz, Davao del Sur Linggo ng umaga.

Hindi na nakayanang iwasan ng drayber ng bus na si Jestoni Ronda na ilagan ang boom truck na minamaneho ni Reymond Arcenal dahil bigla umano itong nag-left turn sa kurbada ng highway sa nasabing barangay.

Nadala pa sa ospital si Arcenal pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay Police Corporal Jessie Jul, dahil sa lakas ng pagkabangga, umikot pa ang truck bago ito nahulog sa malaking kanal habang nabangga naman ng bus ang poste at CR sa lugar.

Wala naman nasugatan sa mga pasahero ng bus.

Sinabi ng pulis na walang plano na magsampa ng kaso ang pamilya ng namatayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.