Bagong layang lalaki, kalaboso muli sa droga

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 10:22 AM

Dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa kalalaya lamang na suspek sa Davao City.

DAVAO CITY - Balik-kulungan ang isang sikad driver matapos mahuli sa buy-bust operation sa Barangay 21-C, Lunes ng gabi.

Kalalabas lamang din sa kulungan ng 24-anyos na suspek noong Abril dahil din sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Isang sachet ng hinihinalang shabu ang nabili mula sa suspek habang isang sachet rin ang nakuha sa posesyon nito.

Mariing itinanggi naman ng suspek ang paratang sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.