Pulis patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Antipolo

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 04:21 PM | Updated as of May 21 2018 04:48 PM

ANTIPOLO, Rizal - Patay ang isang pulis matapos barilin ng mga nakamotorsiklong suspek sa harap ng kanyang pamilya sa bayan na ito, Linggo ng madaling-araw.

May bibisitahin lang sana si PO3 Don Carlo Mangui sa Purok Sumulong, Barangay Dela Paz nang sumulpot ang mga salarin at paputukan siya sa ulo, dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Sugatan din ang motorcycle rider na si Crist Baquiran matapos barilin sa pisngi ng isa sa mga suspek.

Nakatalaga ang napaslang na pulis sa Camp Crame.

Hindi pa tiyak ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.