Dalagita patay nang maatrasan ng payloader

ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 12:20 PM

Naatrasan sa Ilocos Norte ng payloader ang isang motorsiklo, dahilan para ikamatay ng dalagitang angkas ng behikulo. Retrato mula sa Bangui police

ILOCOS NORTE- Napatay ang isang 15 anyos na babae sa Barangay Lanao, Bangui matapos maatrasan ng payloader.

Batay sa imbestigasyon, nakaangkas noong Biyernes sa motorsiklo ang biktima na minamaneho ng kaniyang 17 anyos na kuya nang umatras ang payloader.

"Nagmo-move backward ang payloader at sinubukang iwasan ito ng motor na nasa likod pero it's too late," ani Chief Inspector Samson Amistad.

Nakababa ng motorsiklo ang kuya pero hindi nito nahila ang kapatid.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Humingi naman ng tawad ang nagmamaneho ng payloader.

Kung hindi maareglo, posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang drayber ng payloader.

-- Ulat ni Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.