Barangay chairman pinaslang ng riding-in-tandem sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 12:23 PM

Iniinspeksyon ng isang pulis ang lugar kung saan pinagbabaril at napatay ang isang barangay chairman sa Batangas. Larawan mula sa Calabarzon police

SAN JOSE, Batangas - Patay ang isang kapapanalong barangay chairman makaraang pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong gunman sa Barangay Pinagtung‑Ulan sa bayan na ito, Lunes. 

Kinilala ang biktima na si Demetrio Mendoza, kapitan ng Barangay Buso‑buso sa katabing bayan ng Laurel. 

Ayon sa pulisya, sakay ng kaniyang SUV ang biktima at patungo sana sa bahagi ng national highway nang sundan at pagbabarilin ng mga suspek gamit ng kalibre 45. 

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa bahagi ng Lipa.

Inaalam pa ng motibo sa pamamaslang. 
 
Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News