Mga batang inabuso, inilahok sa circus para makarekober

ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 01:16 PM | Updated as of May 22 2017 10:40 AM

Pagsali sa circus ang paraan ng isang grupo sa Iloilo para matulungang maka-recover sa trauma ang mga batang biktimang ng pang-aabuso. 

Itinatag ng French national na si Laurence Ligier ang 'Cameleon' na nagsasali sa mga batang biktima ng domestic at sexual abuse sa isang circus performance.

''We use circus as a therapeutic tool for them to recover and gain back their confidence express physically and present a show, up until the time that they become independent,'' ani Ligier.

May mahigit 400 bata ang nasa kanilang pangangalaga at 110 na ang nate-train nila sa circus.

P45 milyon ang budget ng grupo kada taon.

Sa darating na May 29, may libreng circus show sila sa Mall of Asia music hall at ang mismong mga bata mula Cameleon ang magpeperform.

--May ulat ni Mj Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.