DOST, hinihikayat ang Pinoy scientists na bumalik ng bansa

ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 12:45 PM

Mas pinaigting ng Department of Science and Technology (DOST) ang balik-scientist program para hikayatin ang Filipino scientists sa ibang bansa na bumalik sa Pilipinas para dito magsaliksik o magturo.

Higit 10,000 scientists ang kailangan ng Pilipinas para makasabay sa ibang bansa sa larangan ng agham at teknolohiya.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng living allowance at libreng tirahan ang scientists habang dito sa bansa natatrabaho.

Maaari na silang i-hire bilang full-time employed scientists kung desidido na silang manatili sa Pilipinas.

Ayon naman sa mga scientist na bumalik sa bansa, higit sa pera, ang pagmamahal sa bansa ang nag-udyok sa kanilang dito na muling magtrabaho.

Aminado ang DOST na malaki ang kakulangan ng Pinoy scientists na dito mismo nakabase sa bansa.

P25 milyon ang pondo ng balik-scientists program kada taon.

Inaasahang madagdagan pa ito kapag naisabatas na ang balik-scientists bill.

--May ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.