Bahagi ng Las Piñas, 12-oras na mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 12:32 PM

MANILA - Makararanas ng 12-oras na service interruption ang mga kostumer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Las Piñas simula Lunes. 

Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila ng pipe network upgrade sa lungsod upang mapabuti ang serbisyo patubig sa West Zone. 

Dahil dito, mmawawalan anila ng tubig mula alas-7 Lunes ng gabi hanggang alas-7 Martes ng umaga ang mga sumusunod na barangay: 

- CAA; 
- Elias Aldana;
- Pamplona Uno;
- Pamplona Dos;
- Pamplona Tres;
- Talon Uno; at
- Talon Dos. 

"Maaaring magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit tubig ng tubig," dagdag ng Maynilad sa isang Facebook post. 

Pinayuhan ng kumpanya ang mga residente ng mga apektadong barangay na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.