PatrolPH

Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 20 2022 06:45 PM

Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa bahagi ng Rizal Avenue cor. Bambang Street, Northbound, Sta. Cruz, Maynila.

Nangyari ang pamamaril ngayong Biyernes ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang lalaking biktima, habang patuloy na ginagamot ang kasama nitong babae na natamaan din ng bala, ayon kay Police Major Philip Ines, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD).

Bigla na lang pinagbabaril ng isang lalaki ang mga biktima, sabi ni Ines. 

Ito ay base na rin aniya sa salaysay ng isa sa mga nakakita sa krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng MPD sa insidente.

—ulat ni Jose Carretero

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.