PatrolPH

Quezon Gov. Suarez nakalabas na ng ospital matapos magpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at May 20 2021 07:02 PM

Quezon Gov. Suarez nakalabas na ng ospital matapos magpositibo sa COVID-19 1
Si Quezon Governor Danilo Suarez. Kuha mula sa Facebook page ni Gov. Suarez

SARIAYA, Quezon - Nakalabas na ng ospital si Quezon Governor Danilo Suarez matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Inanunsiyo ito ng kaniyang anak na si Quezon 2nd District Rep. David Suarez ngayong Huwebes.

“Ngayon po ay nasa bahay siya, nagpapahinga na lang," aniya.

Dagdag pa ni Rep. Suarez, nais ng kaniyang amang makabalik na sa trabaho. 

Nagpositibo sa COVID-19 ang gobernador noong May 6, at inanunsiyong nagpagaling sa ospital. 

Nagpositibo rin sa sakit ang maybahay nitong si Quezon 3rd District Rep. Aleta Suarez.

Batay sa pinakahuling ulat ng Quezon provincial health office ngayong araw, nakapagtala na ng 11,997 kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan, kung saan, 1,024 ay active cases.

—Ulat ni Andrew Bernardo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.