PatrolPH

42 anyos huli sa pagnanakaw ng motor, pangingikil sa North Cotabato

ABS-CBN News

Posted at May 20 2021 05:29 PM

Arestado sa entrapment operation ang isang 42 anyos na lalaki sa pagnanakaw umano ng motorsiklo at pangingikil sa isang babae sa Banisilan, North Cotabato Miyerkoles. 

Kinilala ang suspek bilang isang beautician. 

Batay sa reklamong natanggap ng pulisya, kinuha umano ng suspek ang motorsiklo ng biktima nang walang pahintulot.

Humingi umano ang suspek ng P2,500 mula sa biktima bago nito ibigay ang motorsiklo. 

Nagkasundo ang dalawa na gawin ang bayaran sa remittance center. Ang hindi alam ng suspek ay may isinasagawa nang entrapment ang mga awtoridad. 

Narekober ang motorsiklo at inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

-- Ulat ni Hernel Tocmo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.