Lalaki patay matapos magulungan ng trak sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at May 20 2020 05:52 AM

Patay ang isang 53 anyos na nagmamaneho ng motorsiklo nang magulungan ng trak sa highway sa Barangay South Poblacion sa bayan ng Jimalalud, Negros Oriental.

Magkasunod na tinatahak ng dalawang trak na hiwalay na minamaneho ng isang 55 anyos at 46 anyos ang highway sa Barangay Poblacion nang makasalubong ang isang motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon ng Jimalalud police, pumanig sa tinatahak na lane ng mga trak ang motorsiklo na minamaneho ni Ramel Lopreco at bumangga ito sa kaliwang gulong ng naunang trak.

Nang bumagsak ang rider ay agad naman itong nagulungan ng nakabuntot na trak dahilan ng kanyang pagkasawi.

Agad naman sumurender ang mga drayber ng trak na ngayon ay na-detain kasunod ng pagsampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.