Drive-buy shopping, ipinapatupad ng mall operator

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at May 20 2020 12:49 PM | Updated as of May 20 2020 12:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Gumawa ng paraan ang isang mall operator para mas mapadali pa ang pamimili ng mga Pilipino matapos payagang magbukas sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang ilan pang tindahan sa loob ng malls.

Sa halip na pumasok pa sa mall, maaaring makabili na sa pamamagitan ng “drive buy” system.

Paliwanag ni Yeng Tupaz, presidente ng AyalaLand malls, kailangan lang tumawag ng isang shopper sa tindahan at ihahatid na sa pick-up point na malapit lang sa kalsada ang produktong nais bilhin.

“So nangyayari ay nagkikita ang mamimili at yung tatawagang merchant doon sa area, doon sa designated pick-up point, may binibigay na 2 minutes sa kanila ng exchange ng either payment, kung payment in cash, o puwede rin contactless. Then aalis na iyong mamimili so mabilis na facility na ito,” sabi niya.

Matatandaang nitong weekend, dumagsa ang maraming mamimili sa malls matapos mag-transition sa modified ECQ ang NCR.

Nagbabala ang gobyerno na ipapasara ang mga mall kung hindi ito susunod sa panuntunan ng IATF gaya ng physical distancing at paglimita sa bilang ng tao na papasok sa mga tindahan depende sa espasyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.