PatrolPH

83 COVID-19 patients sa Sta. Ana Hospital, gumaling na

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at May 20 2020 12:58 PM

MAYNILA - Nadagdagan pa ang bilang ng mga taong gumagaling sa COVID-19 sa tulong na rin ng medical frontliners sa Sta. Ana Hospital sa Maynila.

Sa datos ng ospital, 83 sa 125 COVID-19 patients sa kanila ay naka-recover na.

Kabilang sa mga gumaling ay ang 19 na mula sa 23 health workers na tinamaan ng sakit.

May 18 pasyente naman na isinugod sa ospital ang napasama sa talaan ng mga nasawi.

Sa ngayon ay may 46 na probable COVID-19 cases sa Sta. Ana Hospital.

Sinabi ni Dr. Grace Padilla, Sta. Ana Hospital Medical Director, na patuloy sila sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pasyenteng may COVID-19, gayundin sa pagsasa-ayos ng kanilang COVID-19 testing laboratory.

Malaki ang pasasalamat ng medical frontliners ng Sta. Ana Hospital sa mga mensahe ng pagsuporta at pasasalamat mula sa publiko na kumikilala sa kanilang trabaho.

Kasabay nito, muling umapela ang mga frontliners ng ospital sa publiko na iwasan ang diskriminasyon sa kanilang hanay na patuloy na lumalaban kontra COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.