P5.3 milyong halaga ng cocaine natagpuan sa dagat sa Albay

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 04:22 PM | Updated as of May 20 2019 06:53 PM

Isang bloke ng cocaine na tinatayang nagkakahalagang P5.3 milyon ang natagpuan sa dagat na sakop ng bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Nahanap ng 2 mangingisda ang bloke sa may dalampasigan ng Barangay Calanaga bandang alas-3 ng hapon noong Biyernes.

Ayon kay Cotton Yuson, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bicol region, nakumpirmang cocaine ang nakuhang bloke matapos isailalim sa examination.

Kasama ang nasabing bloke sa iba pang ilegal na droga na nahanap sa mga dagat at dalampasigan sa may silangang bahagi ng bansa ngayong taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.