Magkasintahan nahulihan ng P1 milyon halaga ng droga

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 10:48 AM

TAGUM CITY - Huli ang magkasintahan sa siyudad na ito matapos makuha mula sa kanila ang nasa P1 milyon halaga ng iligal na droga nitong Lunes ng umaga.

Timbog sina Michael Duarte, 37, at Catherine Catamora, 24, pawang taga-North Eagle 1 sa isang buy-bust operation.

Nakipag-transaksyon ang mga otoridad sa magkasintahan at nakuha mula sa mga suspek ang 1 sachet ng hinihinalang shabu kaya agad silang inaresto.

Ayon kay Police Major Noel Villahermosa, si Duarte ang nagbigay ng droga habang si Catamora naman ang tumanggap ng pera mula sa mga awtoridad.

Matapos maaresto, nakuha pa ang 12 sachet ng hinihinalang shabu kay Duarte na tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon. 

Ang magkasintahan din umano ang supplier ng iligal na droga sa Davao City at Davao del Norte ayon sa pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.