Lalaki patay sa karambola ng 5 sasakyan sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 08:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napatay ang isang lalaki habang dalawa iba pa ang nasugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa Barangay 626 sa Santa Mesa, Maynila nitong umaga ng Lunes.

Nabangga ng isang pampasaherong jeep ng isang van, 2 motorsiklo, at isang closed van sa bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard sa may Pureza Street bandang alas-10 ng umaga.

Napuruhan ang isang motorcycle rider na pumailalim sa jeep at naipit sa closed van. Nakilala ang biktima bilang guro sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo.

Agad inaresto ng Manila police ang jeepney driver na nangatuwirang mabagal daw siyang magmaneho pero nawalan ng preno.

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide with physical injury and damage to properties ang jeepney driver.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.