5 anyos na babae sinaksak ng screwdriver, sinako; suspek timbog

ABS-CBN News

Posted at May 20 2019 02:07 PM | Updated as of May 20 2019 08:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Linggo ang isang lalaki sa Santa Cruz, Laguna matapos umano nitong patayin sa saksak at isako ang isang 5 taong gulang na babae.

Natagpuan bandang alas-9 ng gabi ang nakasakong bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng 30 anyos na suspek, ayon sa ulat ng pulisya.

Dumulog sa pulisya ang mga kaanak ng suspek matapos mahanap sa sako ang bangkay.

Binigyan umano ng suspek ng mais con yelo ang biktima at isinama sa loob ng kaniyang bahay, kung saan umano niya ito sinaksak ng screwdriver.

Ang biktima ay anak ng kasambahay ng kapitbahay ng suspek.

Inamin umano ng suspek ang krimen at sinabing hindi niya alam ang kaniyang ginawa dahil lulong siya sa ilegal na droga.

Itinanggi ng suspek na ginahasa ang biktima.

Sasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.

Mahaharap ang suspek sa kasong murder.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.