4 timbog sa drug session sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 05:23 AM

MAYNILA - Timbog ang 4 na lalaki matapos umanong mahuling gumagamit ng droga sa Barangay Culiat, Quezon City.

Narekober sa mga suspek ang 3 pakete ng hinihinalang shabu.

Isinumbong sila ng isang concerned citizen sa Talipapa Police Station na agad rumesponde sa Vargas Compound.

Kaniya-kaniyang depensa naman ang mga suspek nang mahuli.

Pahayag ng isang suspek, "Kasi po may atake ako ng high blood."

"Kasi may tahi po ako sa tiyan, pampamanhid," ani ng isa pa.

Ayon naman sa barangay, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ang isa sa mga hinuli.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.