Banyagang umano'y illegal recruiter, arestado sa Pasay City

ABS-CBN News

Posted at May 20 2018 10:37 PM

MAYNILA -- Nadakip ng awtoridad ang isang banyagang umano'y illegal recruiter sa isang mall sa Pasay City Linggo.

Kinilala ang suspek na si Abeer Ahmad Albajer, isang Jordanian. Kilala rin siya sa mga pangalang Sarah Saldua at Madam Sarah.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong syndicated illegal recruitment na inilabas ng Antipolo City Regional Trial Court Branch 99.

Batay sa reklamo, nakipagsabwatan ang nasabing banyaga sa 3 iba pang suspek para mag-recruit ng mga manggagawa paalis ng Pilipinas. Subalit kinalauna'y madidiskubre ng mga ni-recruit na bogus o peke pala ang pinasok nilang kontrata. 

Walang piyansang inirekomenda ang korte laban sa suspek. -- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.