Bahagi ng Aguinaldo Highway, binuksan na kasunod ng pagguho ng ginagawang flyover

ABS-CBN News

Posted at May 20 2018 10:35 PM

MAYNILA -- Binuksan na sa mga motorista ang bahagi ng Emilio Aguinaldo Highway corner Daang Hari sa Imus, Cavite matapos na matanggal ang bumigay na bahagi ng ginagawang flyover.

Ayon kay Carolina Pastrana, Division Chief ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 4A, alas-3:40 ngayong hapon nang tuluyang malinis mula sa mga debris ng nahulog na girder o malalaking beam ang naturang kalsada. 

Dagdag pa ni Pastrana, tuloy ang construction ng naturang protekto dahil hindi naman naapektuhan ang mga poste ng itinatayong flyover. Ongoing na rin ang fabrication ng girder na pamalit sa nahulog.

Ala-una ng madaling araw nang mahulog ang ikinakabit na girder sa ginagawang flyover sa lugar kaya't isinara sa motorista ang naturang kalsada. 

Wala namang nasaktan sa insidente pero nadaganan ang isang trailer truck ng contractor ng proyekto at isang motorsiklo ng isang traffic enforcer. -- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.