2 patay sa banggaan ng bus at traysikel sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at May 20 2018 12:30 PM | Updated as of May 20 2018 07:00 PM

Bumangga ang isang traysikel sa bus sa Daraga, Albay nitong Linggo. ABS-CBN News

DARAGA, Albay -- (2ND UPDATE) Dalawa ang patay sa banggaan ng bus at traysikel dito nitong Linggo ng umaga.

Dead on the spot si Rodel Gernale Groyon at ang misis nito na si Merina Gernandizo Groyon matapos bumangga ang sinasakyan nilang traysikel sa kasalubong na bus sa kurbadong bahagi ng kalsada sa Barangay Peñafrancia.

Paliwanag naman ng drayber ng bus na si Joey Edra, nag-overtake umano ang traysikel sa sinusundan nitong isa pang traysikel kaya nabangga ang minamaneho niyang bus.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa tinatayang 50 pasahero ng bus galing Sorsogon papuntang Legazpi. 

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.