1 patay, 2 sugatan sa mga aksidente sa motor sa Imus

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at May 20 2018 08:05 AM

MANILA - Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa magkahiwalay na aksidente sa Daang Hari, Imus, Cavite umaga ng Linggo.

Kinilala ng kanyang mga kasama ang nasawi bilang si John Castillo.

Kwento ng isang kasama ni Castillo, naka-convoy sila kasama ang anim na iba pang motorcycle rider at papunta sana ng Batangas nang maaksidente si Castillo bandang 6:30 a.m. kanina.

Samantala, sugatan naman ang dalawang kapatid makaraang tumama ang kanilang motor sa center island sa Daang Hari pa rin ilang metro lang ang layo mula sa unang aksidente.

Agad naman isinugod sa pinakamalapit na ospital ang magkapatid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.