P800K shabu nasabat sa 3 suspek sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 03:04 PM

Halos P800,000 na halaga ng shabu ang nasabat mula sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Fairview, Quezon City Biyernes ng gabi.

Nakuha rin ang isang kalibre .45 na baril mula sa mga suspek na kinilala bilang sina Jeferson Rafanan, hinihinalang supplier na si Rommel Buenaventura, at diumano'y courier na si Nenchie Narvas.

Ayon sa mga awtoridad, dati nang nakulong si Rafanan dahil sa kasong multiple murder kaugnay sa pagpatay sa abogadong si Rodolfo Paglinawan noong 2006, at sa opisyal ng Armscor Philippines na si Danilo De La Paz noong 2004.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kaso sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.