PatrolPH

Sunog sumiklab wa Baseco Compound sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 10:22 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Isang residential area sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila ang nasunog, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 7 ng gabi sa Block 17 ng naturang lugar bago ito umabot sa ika-apat na alarma.

Gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Maraming mga bumbero mula sa mga kalapit na lugar ang nagresponde sa sunog.

Kaniya-kaniyang salba naman ng mga gamit ang mga residenteng apektado ng sunog.

Inaalam pa kung ilang bahay ang nasunog, kung may nasaktan, at kung ano ang dahilan nito. Wala ding impormasyon kung saan pansamantalang manunuluyan ang mga nasunugan.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.