PatrolPH

Pagsabog sa bayan sa Lanao del Sur naganap 5 araw bago special elections

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 10:06 PM

Isang pagsabog ang naganap sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur Huwebes ng umaga, limang araw bago ang special elections sa lugar.

Ayon sa mga awtoridad, rumesponde ang explosive ordnance unit, pulisya at militar sa pagsabog alas 1:20 ng madaling araw sa Barangay Tangcal.

Nangyari ang pagsabog malapit sa headquarters ni mayoralty candidate Nashif Madki na pamangkin ni Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan. 

Nabutas umano ang lupa 20 metro mula sa headquarters. 

Hinala ng mga awtoridad, nagawa ito ng M203 grenade launcher. 

Walang nasugatan o nasirang ari-arian sa insidente. 

Ilulusad ng katunggali ni Madki na si Mayor Yassin Papandayan ang isang prayer rally BIyernes para sa gagawing special elections sa bayan sa Mayo 24.

Magkakaroon ng special elections matapos hindi makaboto ang nga residente sa 12 barangay sa bayan. 

Hinarangan ng supporters ni Papandayan ang pagpapalabas ng mga elections materials dahil sa biglang pagbago ng clustering ng mga polling precincts noong Mayo 9. 

Bago ang halalan, nagreklamo si Papandayan sa pagiging malapit na kaanak ni Madki at sa dalawa pang kandidato kay Pangarungan at hiniling nito ang pag-inhibit ng chairman ng Comelec.—Ulat ni Roxanne Arevalo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.