PatrolPH

Ilang nanalong lokal na opisyal ng Laguna, nanumpa kay presumptive VP Sara

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 11:20 AM

Sa Davao City nanumpa sa kanilang tungkulin ang ilang opisyal mula sa Laguna province. Larawan mula sa Facebook page ni presumptive vice president Sara Duterte-Carpio
Sa Davao City nanumpa sa kanilang tungkulin ang ilang opisyal mula sa Laguna province. Larawan mula sa Facebook page ni presumptive vice president Sara Duterte-Carpio

Dumayo pa sa Davao City para manumpa kay presumptive vice president Sara Duterte-Carpio ang ilang kapapanalo pa lang na lokal na opisyal ng probinsya ng Laguna. 

Sa mga post sa official Facebook page ni Duterte-Carpio nitong Miyerkoles, kitang kabilang sa mga nanumpa sa kanilang tungkulin sina Biñan lone district Rep. Len Alonte, San Pedro Mayor Art Mercado, at Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas.

Kasama nilang pumunta sa opisina ni Duterte-Carpio ang kanilang mga pamilya.

Tumakbo sa ilalim partidong PDP-Laban sina Alonte at Mayor Arcillas. Galing naman sa partido ni Duterte-Carpio na Lakas-CMD si Mercado.

Lahat sila ay sinuportahan at inendorso si Duterte-Carpio noong kampanya.

“Salamat sa inyong suporta at tiwala. Mahalin natin ang Pilipinas!” sabi ni Duterte-Carpio sa isang Facebook post. 

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.