Hindi totoo ang mga post sa Facebook at Tiktok na nagpapakitang nakikibunyi ang bansang Kuwait sa pagkapanalo ni Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sa halalan noong May 9.
Ang May 10 post ng grupong “OFW ng Middle East” ay ipinapakita ang Kuwait Towers na balot sa ilaw na kulay pula at berde. May pinapakita rin itong mga larawan ng mga eroplano na bumubuga ng pula, puti, at berdeng usok habang gumagawa ng aerial stunts.
Ngunit ang larawan ng Kuwait Towers, isang kilalang landmark ng Kuwait City, ay kuha noong 2016 nang inilawan ang mga tore ng mga kulay ng bandila ng United Arab Emirates sa okasyon ng 45th UEA National Day.
Samantala, ang mga larawan ng air show na nasa mga post ay makikitang kahintulad ng mga larawan at video ng Italian Frecce Tricolori aerobatic squad, isang grupo ng mga piloto na kilala sa kanilang orchestrated aerial stunts.

Aerial stunts were not related to UniTeam's election victory. The original photo, as seen on website Pinterest, was dated June 11, 2018
Ang post sa Facebook ay mayroon nang lagpas 24,000 shares at mahigit 36,000 engagements matapos ang isang linggo.
Ang kahalintulad na post sa Tiktok ay mayroon nang lagpas 198,000 heart emojis, mahigit 3,000 comments, at mahigit 6,700 shares pitong araw matapos unang i-upload. Pinost ng isang nagngangalang Yanz noong May 10, may caption itong, “Kuwait Celebration for BBM-Sara Victory.”