PatrolPH

3 buhawi namuo sa dagat sa Morong, Bataan

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 12:26 PM

Nagdulot ng takot sa mga residente sa bayan ng Morong, Bataan ang pamumuo ng tatlong buhawi sa dagat nitong Miyerkoles.

Sa video na kuha ng residenteng si Ellen Ellano, makikita ang maitim na ulap at ang tatlong makakahiwalay na buhawing umiikot sa ibabaw ng dagat sa Brgy. Sabang.

Kwento ni Ellen, nag-aabang ang mga residente sa tabing dagat sa pagdating ng mga mangingisda nang makita nila ang buhawi pasado ala-sais ng gabi.

Bago nila mamataan ang buhawi ay masama na umano ang panahon sa kanilang lugar.

Ipinagpapasalamat na lamang ng mga residente na nanatili lang sa dagat ang buhawi at hindi na tumama pa sa mga kabahayan.

Tumagal lamang ng halos apat na minuto ang buhawi.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.