PatrolPH

Matapat na sekyu, nagsauli ng bag na may lamang P150K

ABS-CBN News

Posted at May 19 2021 02:24 PM | Updated as of May 20 2021 07:23 AM

Matapat na sekyu, nagsauli ng bag na may lamang P150K 1
Naisauli ng matapat na guwardiya ang bag na pagmamay-ari ng isang pulis na naglalaman ng P150,000. Nakita ng guwardiya ang bag na naiwan sa meat section ng palengke. Larawan mula sa Aleosan Municipal Police Station

Hinangaan ang katapatan ng isang 53 anyos na guwardya sa palengke matapos na magsauli ng naiwang bag na may lamang P150,000 sa Aleosan Public Market sa Cotabato nitong Martes.

Ayon kay Ricardo Caluna, nakita niya ang bag na naiwan sa pwesto ng meat section habang siya ay nagroronda sa palengke.

Watch more on iWantTFC

Laking gulat niya nang makitang may laman itong pera na nagkakahalaga ng P150,000.

Dinala niya ang bag sa Aleosan Municipal Police Station. 

Napag-alamang ang bag ay pagmamay-ari ng isang pulis na si Police Master Sgt. Rex Val Regular na kasalukuyang nakabase sa Libungan Municipal Police Station.

Laking pasalamat ng pulis kay Caluna. Nagbigay siya ng gantimpala pero tinanggihan umano ito ng market guard.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.