Mahigit P2-M halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at May 19 2021 06:24 AM

Aabot sa mahigit P2 milyon na halaga ng pananim na marijuana ang nasamsam sa dalawang araw na operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga. 

Ayon sa Cordillera Police, impormasyon mula sa mga lokal na opisyal ang naging susi upang matunton ang tinaman ng marijuana sa liblib na Barangay ng Bugnay. 

Nagsanib-pwersa ang Kalinga Police, Regional Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency para sa operasyon noong Mayo 15 hanggang 16. 

Tumambad sa kanila ang humigit kumulang 10,400 fully grown marijuana plants na nakatanim sa 1,300 square meters na lupain. 

Binunot at sinunog ang mga pananim na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P2.08 milyon. 

Noong May 12 hanggang 14, sinira rin ng mga awtoridad ang 80,000 fully grown marijuana plants na nadiskubre sa 800 square meters na taniman sa Barangay Loccong, Kalinga. 

Nakakumpiska rin sa lugar ng 210 kilo ng pinatuyong dahoon ng marijuana na nagkakahalaga ng P41.2 milyon batay sa pagtaya ng PDEA Kalinga.

— Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.