2 lalaki tiklo sa pagnanakaw ng kable ng kuryente sa Ermita

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at May 19 2021 06:30 AM | Updated as of May 19 2021 06:40 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Arestado ang 2 lalaki nang maaktuhang nagnanakaw ng kable ng kuryente sa Jones Bridge sa Ermita, Maynila Martes.

Nagpapatrolya noon ang mga pulis nang mapansin nila ang dalawa sa paanan ng tulay.

Pinuputol na pala nila ang kable ng kuryente para sa ilaw sa tulay gamit ang cutter at improvised na patalim.

Napag-alamang residente ang isa sa kanila sa Ermita at mula Taguig ang 22-anyos nitong kasamahan.

Sa imbestigasyon, kilala sila sa kani-kanilang barangay sa pagnanakaw.

Wala rin umano silang trabaho kaya napapasok sa ilegal na gawain tulad ng pagnanakaw ng kable para ibenta ang tanso nito.

Inaalam pa ng pulisya kung sangkot rin sila sa iba pang nakawan sa Ermita. Haharap sa kasong theft ang mga inaresto.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.