Siyudad sa Bulacan vegetable seedlings ang pang-ayuda sa mga residente

Doland Castro, ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 03:29 PM | Updated as of May 19 2020 08:24 PM

Sabi ng LGU, isa itong hakbang para maturuan ang mga residente lalo't inaasahang magtatagal pa ang krisis na bunsod ng COVID-19. Screengrab

MAYNILA — Namahagi ng libreng vegetable seedlings ang San Jose del Monte City sa Bulacan para sa kanilang mga residente para matulungan ang mga itong magtanim sa gitna ng pandemya. 

Sabi ng local government unit (LGU), isa itong hakbang para maturuan ang mga residente lalo't inaasahang magtatagal pa ang krisis na bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Susuwelduhan naman ng LGU ang mga magsasaka na magtatanim ng gulay sa open spaces ng mga subdivision sa ilalim ng "cash for work program" ng siyudad, ayon kay San Jose del Monte City Mayor Arturo Robes. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Hanggang sa makaani sila ay dun lang ititigil ang pasuweldo sa mga ito. 

Ayon kay Robes, nasa 2,000 farmers, laborers, pintor at mga karpintero na nawalan ng hanapbuhay ang ngayon ay nasa ilalim ng kanilang "cash for work program."

Sa ngayon, ang ginagawa nila ay pagkukumpuni ng mga sira sa mga pampublikong paaralan. 

Ang mga residente naman ay makatatanggap ng libreng punla ng gulay. 

Ikinatuwa naman ng mga residente ang ginawang pamamahagi ng seedlings lalo at karamihan sa kanila ay mga nawalan na rin ng hanapbuhay simula noong Marso nang pairalin ang community quarantine sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.