Balot ng putik ang mga kalsada ng Jipapad, Eastern Samar kasunod ng pananalasa ng bagyong Ambo noong nakaraang linggo. Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News
Isinailalim sa state of calamity ang 9 na bayan sa Eastern Samar dahil sa pinsalang dulot ng nagdaang bagyong Ambo, sabi ngayong Martes ni Governor Ben Evardone.
Kasama rito ang mga bayan ng Arteche, Can-avid, Dolores, Jipapad, Maslog, Oras, San Policarpo, Sulat, at Taft.
Sa pagsasailalim ng state of calamity, magagamit ng mga local government ang kanilang calamity fund para matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo, ayon kay Evardone.
Sa ngayon, 4 ang nasawi sa pananalasa ng bagyo sa probinsiya at 44 naman ang nasugatan.
Aabot sa 34,235 pamilya ang apektado.
Nasa P9 milyon naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura ang naidulot ng bagyo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regional news, state of calamity, Eastern Samar, Ben Evardone, Arteche, Can-avid, Dolores, Jipapad, Maslog, Oras, San Policarpo, Sulat, Taft, Ambo, AmboPH, Bagyong Ambo, disaster, Vongfong Philippines, TV PATROL