PatrolPH

5 arestado sa sabong sa Dapitan City

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 03:24 PM

Inaresto noong Lunes sa Dapitan City ang 5 lalaki dahil sa pagsasabong, ayon sa pulisya.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek bilang sina Daniel Eguia, 52 taong gulang; Marino Obordo, 44 taong gulang; Marcelino Palahang, 63 taong gulang; Joelito Saban, 41 taong gulang; at Rone Bongcawil, 52 taong gulang.

Naaktuhan ng mga pulis ang 5 lalaki kasama ang iba pa na nagsasabong sa may Barangay Daro pero agad nakatakbo ang ibang kasamahan ng mga naaresto, ayon kay Lt. Col. Areston Limos, hepe ng Dapitan police.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang perang ginamit sa pagpusta na nagkakahalaga ng higit P600 at 5 manok.

Sa 5 nahuli, 3 ang benepisyaryo ng social amelioration program ng gobyerno habang ang isa naman ay miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ani Limos.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa illegal cockfighting law. 

Mahaharap din sila sa paglabag sa lokal na executive order dahil sa hindi pagsunod sa social distancing at pagkakaroon ng pagtitipon-tipon, na ipinagbabawal para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

-- Ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.