Ilang sasakyan nagkarambola sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at May 19 2019 05:38 PM

MAYNILA — Asahan ang moderate traffic sa north at southbound lanes ng San Fernando exit ng North Luzon Expressway (NLEX) matapos maiulat ang dalawang magkahiwalay na karambola nitong Linggo.

Apat na sasakyan ang nagbanggan lagpas sa San Fernando exit ng northbound lane ng pasado alas-2 ng hapon Linggo, ayon sa NLEX Traffic Control Center.

Kasabay nito, may tatlong sasakyan ding nagsalpukan bago naman mag-San Fernando exit sa NLEX southbound.

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga karambola na aabot sa halos 1 kilometro.

Pansamantala ring isinara ang lane 1 ng north at southbound lanes.

Pasado alas-3 ng hapon nang maialis sa lugar ang mga sasakyan na pawang light vehicles.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi dahil sa mga banggaan.


—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.