Tulak ng ‘damo’ sa Bulacan, patay sa operasyon

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 19 2018 09:28 AM

MANILA - Patay ang isang drug suspek matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan, Sabado ng madaling araw.

Kinilala lamang sa alyas na Buddy ang suspek.

Sinasabing nakabili ng P1,000 halaga ng marijuana ang isang nagpanggap na buyer kay Buddy.

Nakatunog umano si Buddy na pulis ang kaniyang katransaksiyon kaya’t pinaputukan nito ang gulong ng motorsiklo ng operatiba. 

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober sa suspek ang 47 sachet ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P25,000, kalibre .45, 2 basyo ng bala ng kalibre .45, P1,000 buy bust money at motorsiklo na walang plaka.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.