Dating boxing champ, timbog sa droga sa Cavite

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at May 19 2018 10:33 PM | Updated as of May 19 2018 10:34 PM

MAYNILA—Arestado ang isang dating boxing champion sa isang buy-bust operation sa Cavite nitong Sabado.

Hindi na nakapalag pa sa mga pulis ang suspek.

Base sa paunang ulat ng Trece Martires City Police, isang police poseur buyer ang bumili mula sa suspek ng P200 halaga ng shabu. 

Matapos ang transaksyon ay agad inaresto ng mga operatiba ang dating boksingero.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.