PatrolPH

Sapul sa CCTV: Simbahan sa Ilocos Sur nilooban

ABS-CBN News

Posted at May 18 2022 05:36 AM

Watch more News on iWantTFC
Video mula PNP Quirino, Ilocos Sur

Sapul sa CCTV ang panloloob ng isang lalaki sa opisina ng isang simbahan sa bayan ng Quirino, Ilocos Sur Linggo ng gabi. 

Makikita sa video ang isang lalaki na naka-short pants, walang suot na pang-itaas, at mahaba ang buhok na pumasok sa opisina ng naturang simbahan sa Barangay Poblacion.

Ayon sa hepe ng Quirino Police na si Lt. Alden Isang, dumaan ang suspek sa naiwang nakabukas na sliding door sa may sala ng opisina hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto kung saan dito niya kinuha ang cellphone at dali-daling lumabas. 

Ang cellphone ay pagmamay-ari umano ng isang empleyado ng simbahan. 

Ani Isang, galing ang may-ari ng cellphone at mga kasama nito sa misa sa isang barangay at nang makabalik na sila sa opisina ay naalala nito ang kanyang cellphone na naiwan niya sa kanyang lamesa. 

Nang hindi niya mahanap ang kanyang cellphone ay ni-review nila ang kuha ng CCTV at dito na nagulat na nilooban at kinuha ang kanyang cellphone. 

May person of interest na ang mga pulis sa insidente.—Ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.