PatrolPH

Launching gantry ng ginagawang railway sa Pampanga ipinasilip

ABS-CBN News

Posted at May 18 2022 09:09 AM | Updated as of May 18 2022 09:19 AM

 

MAYNILA—Ipinasilip na sa publiko ang launching gantry o ang elevated construction sa ginagawang North-South Commuter Railway sa Pampanga.

Pinangalanan itong "Luid", o ibig sabihin sa Kapampangan ay "Mabuhay." Tatakbo ito ng 5.5 kilometro at magkokonekta sa Minalin, Pampanga at Calumpit, Bulacan.

Ito ang isa sa 11 gantries na ilulunsad para mag-operate sa Malolos-Clark segment na bahagi ng NSCR System.

Ang NSCR System na ino-operate ng Philippine National Railways ay isang mass transport rail system mula sa Clark International Airport hanggang Calamba, Laguna.

Ayon sa Department of Tourism, makapagbibigay ito ng 47,000 na direct jobs at 106,000 indirect jobs para sa mga Pilipino.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.