PatrolPH

Dalagita patay sa tama ng kidlat habang naliligo sa ulan

ABS-CBN News

Posted at May 18 2022 03:46 PM


Patay ang isang 15 anyos na babae habang sugatan ang kaniyang 8-taong gulang na kapatid matapos silang tamaan ng kidlat sa Pangasinan nitong Linggo ng hapon.

Naliligo ang mga biktima sa gilid ng kanilang bahay sa Barangay Kobol sa San Carlos City nang tamaan ng kidlat ang puno ng kalapit na acacia, sabi ni PSSgt. Ryan Sabangan.

Natagpuan ng kanilang ama ang mga biktima at isinugod sa ospital.

Dead on arrival ang nakatatandang kapatid dahil umano sa matinding sugat na tinamo sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan. Nasugatan naman ang kaniyang nakababatang kapatid na babae sa tuhod at nakalabas na ng ospital.

— Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.