TINGNAN: Mga mangingisda sa Aurora nakalambat ng 400 kilo na blue marlin

ABS-CBN News

Posted at May 18 2021 08:09 PM

Nasa 400 kilo ang bigat ng isdang blue marlin na nakuha ng mga mangingisda sa Dingalan sa Aurora. Larawan mula kay Dhel Ejorcadas

Ibinida ng mga mangingisda ang nahuli nilang isdang blue marlin sa karagatang sakop ng Dingalan sa Aurora.

Lunes nang mahuli ng mga mangingisda ang blue marlin na tinatayang may bigat na 400 kilos.

Noong Mayo 14, nasa 500 kilo naman ng isda ang nakuha ng mga mangingisda mula rin sa Dingalan.

- Ulat ni Harris Julio
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.