MAYNILA - Nasabat ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport ang hinihinalang party drugs na nagkakahalaga ng P3.1 milyon.
Arestado ang isang lalaki matapos tanggapin ang controlled delivery ng umano'y ilegal na droga sa Caloocan City noong Mayo 17. Siya ang itinuturong authorized representative ng consignee ng package na sa ngayon ay at-large pa.
Ayon sa Bureau of Customs, itinago ang ketamine na may bigat na 622 gramo sa 15 sachet ng kape. Dumating ito sa bansa noong Mayo 10 mula sa Malaysia at idineklarang “snacks”.
Ang ketamine o kilala rin sa tawag na “Special K” o “K” ay isang anesthetics subalit naabuso at ginagamit bilang “party drugs” dahil sa tranquilizing effects nito.
Itinuturing ang ketamine na dangerous drug sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency ang naarestong claimant gayundin ang mga ketamine habang inihahanda na rin ang mga kaukulang kaso.
KAUGNAY NA BALITA
- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, party drugs, ketamine, illegal drugs, regulated drugs, Special K, K drugs, NAIA, Ninoy Aquino International Airport, Bureau of Customs, BOC